AKO AT AKING PAMILYA
ROLE: Ang aking pamilya ay ang number 1 supporter ko dahil sila ang unang nakakapagpalakas ng aking loob sapagkat pinapasaya nila ako at pinapatibay ang aking loob sa lahat ng aking mga ginagawa. At tinutulungan din nila ako sa lahat ng aking mga ginagawa at sila rin ang aking gabay sa aking paglaki dahil sila ang una kong guro na kung saan ay tinuturuan nila ako ng mga mabubuting asal na magagamit ko sa aking paglaki at sa mga nakakasalamuha kong mga kapwa.Sila rin ang aking nagsisislbing inspirasyon sa mga bagay na komplikado para sa akin .
ANG AKING PAMILYA PARA SA AKIN: Ang aking pamilya para sa akin ay isang biyaya ng ating PANGINOON dahil napakaswerte ko sa kanila dahil binibigay nila sa akin ang lahat ng aking mga pangangailangan sa pangaraw-araw at ako ay napaka swerte dahil ako ay nabiyayaan ng aking mga magulang na pag aralin sa isang pribadong eskwelahan. At tinuturuan nila ako kung paano maging mabuting mamamayan ng ating bansa at tinuruan din nila ako kung paano rumespeto sa mga nakakatanda sa akin dahil ito ay tanda ng pagrespeto at ako ay nagpapasalamat din sa aking pamilya dahil sila ang aking naging kaagapay sa lahat ng aking problemang pinagdadaanan at ako ay naniniwala sa kasabihang "THE FAMILY THAT HELPS EACH OTHER STAYS TOGETHER"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento